Kisapmata: Ang anim na taong paghihirap part 5


KISAPMATA
Ang anim na taong paghihirap
(+63) 9104807338

PART V
Isang magandang araw muli ang dumampi sa aking mukha, ang araw na tila katulad noong bago maganap ang lahat. Ang mga mananakop ay nagdiriwang ng isa nilang okasyon kung saan pinapasalamatan ang mga bathala nilang walang kasing lupit. Sino ba namang bathala ang mag-uutos na pumaslang ng mga inosenteng nilalang? Lahat ay pinasali sa pagdiriwang kahit kaming mga ulila lamang. Nagdala ang dayuhan ng maraming panauhin galing sa ibat ibang bayan. Hindi muna pinagtrabaho ang mga kababaihan at kalalakihan. Lahat ay maaring kumain ng handa ngunit tila kanin at sabaw lamang ang hinain sa amin. May mga naganap na paligsahan sa ibat ibang larangan. Boksing sa lalaki at sayaw sa babae. Natatawa ang mga dayuhan habang kami ay pinagmamasdang ginagawa ang mga nais nila.
Ang ibang dayuhan ay nagkagusto sa kababaihan at binili sila upang gawing asawa at ang iba, ulila. Isa rito ang aming kasamahang si Laura, labing pitong gulang lamang sya ng magustuhan at ipagbili. Mabilis syang pumayag dahil sa kagustuhang malayo sa kampo. Noong araw ng pista ay sinubukan kong hikayatin ang mga kasamahan ko upang tumakas sa lagusan kung saan ko binigyang kalayaan si Mila. Lahat halos ay nakiisa maliban kay Laura. Dahil nga naipagbili na sya at may kinabukasan na, nagbago na ang pananaw nya ukol sa kalayaan,

“ito lang ang paraan ko upang makalaya sa lugar na ito, sa oras na ako’y maiuwi sa tirahan ng bumili sa akin, magiging prinsesa na ako tulad ng kanyang pinangako”

Matandang lalaki ang nakabili kay Laura, muka man itong mayaman, mukha ring di ito gagawa ng tama sa kanya.

“ngunit di pa ba sapat ang anim na taong pang-uulila sayo? Naniniwala ka pa rin bang di ka na aalilain ng dayuhang bumili sa’yo? Alam nya kung ano tayo dito, sa tingin mo ba totoo ka nyang gagawing prinsesa? Mag-isip ka nga Laura”

Nagalit sya sa akin at umalis. Ngunit sa oras na kami’y tatakas na ay dinakip ako. Nagsumbong si Laura sa mga mananakop ngunit dahil na rin sa pagdiriwang, hinayaan nila ako sa selda ngunit binalaan akong matapos ng pagdiriwang ay gagawin na nila ang parusa. Alam kong tatagal na lamang ng tatlong araw ang kanilang pagsasaya kaya pinilit kong makatakas sa selda. Tinahak ko ang daan patungo sa buhay at kamatayan, lumabas ako noon sa selda at kasama ng iba, kami’y tumakas. Dahil sa may nakakita sa amin, sila’y nagpaputok at nagkagulo ang lahat. Isa sa amin ay sugatan ngunit imbis na sisi ang isukli, ngumiti lamang sya sa akin.
Noong oras na yon, naramdaman ko ang saya at lungkot. Nang simulan ko ng tawagin ang iba kong kasama, silang lahat ay napangiti sa akin habang winawagayway ang kamay.

“kunin mo na ang iyong kalayaan”

Sabi nga nila, pinilit ko silang sumama ngunit di sila sumama, imbis ay tinakpan pa nila ang lagusan. Isa lang ang alam ko, Masaya sila para sa akin.
------------
Habang naglalakad sa mahabang daanan, masyado akong nabibighani sa paligid, marahil din siguro sa anim na taon na kong di nakakaita ng ganoong tanawin. Tila ba ginawa ang lugar na ito para sa akin. Bigla kong naalala si Mila, nasan na kaya sya, nakauwi kaya syang ligtas?
Narating ko na siguro ang kalahating parte ng daan ng may mapansin akong tao at nagtanong dito.

“saan po ang paroroonan ng daang ito?”

Nakatingin lang sya sa aking tila nagtataka ngunit di nya ako kinibo, patuloy syang naglakad at patuloy naming dumadami ang taong nagdadaan. Isa lamang ang tanong ko sa kanila ngunit isa lang din ang mga tugon nila sa akin, wala silang naisasagot. Dumami ng dumami ang taong aking nakita, napahinto ako dahil sa bulto ng taong dumadaan at nakita ko ang mukhang pamilyar, isang mukha ang bumulabog sa aking tahimik na isipan

“sino ba sya? Pamilyar masyado ang kanyang mukha…ngunit sino nga ba sya?”

Aking nasabi sa sarili habang nakatingin sa batang maputi, siguro’y pitong taong gulang at nakangiti sa akin habang tila sabik na sabik na papunta sa aking direksyon.

“ate, sabi ni inay nakalimutan mong dalhin ang pera” sinabi ng bata sa akin

Muli kong naalala ang tagpong noo’y di pa kami nasasakop. Kinagulat ko rin ang nakita ko sa aking harapan, ang aming lungsod na tila walang kalamat lamat, mukha ng mga taong walang problema at tila mga mukhang napakasaya, na tila di nagdusa ng anim na taon.
ANG TAGPONG IYON AY KAPAREHAS DIN NG TAGPO NOON…