Kisapmata: Ang anim na taong paghihirap part 1

KISAPMATA
Ang anim na taong paghihirap
(+63) 9104807338

PART I
Ang mundo ay tahimik ngunit ang mundong ganito ay maaaring magbago sa isang kisap mata lang …
Isa itong magandang araw, naririnig ko pa ang lutong ng aming bubong, ang mga puno sa amin, unti-unti nang nawawala kaya kakaunti na lang ang ibong naririnig kong humuhuni. Ang init ng araw ay di karaniwan kaysa sa mga araw na nagdaan. Grabe ang usok na tumatama sa hangin habang nagwawalis ang aming kapitbahay. Ang lugar naming ay malapit sa kalsadang di karaniwang nadadaanan ng sasakyan. Tanging mga pantaong may tatlong gulong lamang ang nakadaraan. Nakaharap kami sa laging nakangiting araw samantalang nasisinagan naman ng buwan tuwing gabi. Malalawak ang espasyo ng aming lugar at kung susumahin, kami lang siguro ang may katamtamang bahay. Kakaunting populasyon ngunit maraming istrakturang pampamayanan.
Isa ako sa dalawang milyonng populasyon ng aking bayan. Ano pa nga ba ang hahanapin mo? Mababait ang tao sa amin, hindi maiingay na tulad sa lunsod. Inutusan ako noon ni inay na bumili ng aming iuulam pananghalian. Sa aking paglalakad, isang mukha ang bumulabog sa aking tahimik na isipan

“sino ba sya? Pamilyar masyado ang kanyang mukha…ngunit sino nga ba sya?”

            Hindi ko mapaliwanag ang mga sunod na nangyari, ang lahat ng tao sa aking harap at likuran ay biglang nagtakbuhan. May sumabog sa bandang malayo sa aking kanan. Nasira ang mga bahay at nararamdaman ko pa nga ang mga animo’y ‘confetti’ na nagbagsakan. Sumubok din akong tumakbo habang tinanong ang iba kung anong nangyayari

“may sumasalakay sa ating bayan!”

            Sandaling tumahimik ang paligid habang puno ng usok ng alikabok ang kalahating parte ng lungsod. Nagsilapitan ang mga tao’t nag-unahang habulin ng sulyap ang pinagpiitan ng usok. Isang gumagalaw na bagay!
            Nagsigawan ang lahat at muling nagsi-unahang tumakbo, sa sandaling pagbagal ng oras, nakita ko ang kanilang takot, sinugod kami ng taga kabilang bayan, dala ang pinagmamalaki nilang makinang imbensyon at mga nakakatakot na nilalang galing labolatoryo. Naramdaman ko ang luhang pumatak sa aking mata.

            “si Mila…”

            Mahabang buhok, maputing balat at napakaamong mukha, sya ang kapatid kong si Mila, pitong taong gulang lamang sya noon ngunit mas mataas ang libel ng kanyang pag-iisip sa kanyang edad.
            Si Mila ay nag-iisa ko lamang na kapatid, dinala sya sa amin ng mga anghel noong namatay ang aking ama, si ina naman, may kinakasama na sya ngayon at buong oras ay tinuon na lang sa kinakasama. Kami ni Mila ang naging mag-ina, ako ang ate nya ngunit turing ko sa kanya’y aking anak. Napakaamong bata, tila walang pinuproblema kundi ang kanyang manikang babaeng naliligo sa alikabok ngunit walang atubiling laging yakap ang sukli.
            Sa sandaling bumaba ang kaguluhan, si Mila lang ang aking nasa isipan.
            Paano na lang sya kung ang mananakop ay maabot ang aming bahay? Dali-dali akong tumakbo pabalik, si ina na umiiyak habang nasa bisig ng aking amain ay wala ng masabi sa aking pagdating.
            Muling pagsabog ang aming narinig, panibagong bomba kasi ang hinagis sa aming lugar, gumuho ang mga matitibay na braso ng aming bahay, ang alam ko lang, nakuha ko’t ngayo’y nasa kamay si Mila, habang sila ina, di ko na alam…