Rowdtrip


Rowdtrip

Huli ng AKO’Y matulog kagabi
Kaya gising ko ngayon ay tanghali
Nagtutbrash lang ako tapos nagpalit
Ni hindi pinagsuklay at walang perang bitbit

Dun sa KOMPYUTER nagparmbil ako
Nakakuha pa nga ng gip sa kalaro
Stap taym lang naman ang aking oras
Kaya sa DOTA, ayun umiiwas

Wala pang kaen pero tya’y di kumukulo
Walang ligo ligo pero di mabaho
Suot ko pa nga paborito kong short
Samantalang damit, pamPE’t pang sport

Alastres noon ng dumaan si DADIE
“hanap ako ng hanap sayo” kanyang sinabi
Bigla syang ngumiti at saka nagtanong
“sama ka sa akin? Doon sa MANDALUYONG”

Dahil wala pang laman ang aking tyan
Nagtambay sa Angel borger na lamang
Sa tagal ng kru sa kanyang pagluluto
Bumyahe kaming tyan ko’y kumukulo

Sa Silang palang, sobra sobra ng trapik
Sumabay pa ang weder na pagkainit init
Sa TONDO nman pala ang aming punta
Basta tanda ko lang may PADRE de RAMA

Pagdating doon sa tondo SIMBAHAN
Nagsayd kar kaming pagkamahal mahal
Pagdating sa AROMA, nakita si ate Jak
ATM card lang naman kasi ang aming hanap

Matagal tagal din sa paghahanap ng BDO
Di ko napansin noo’y mag aalas-otso
Dahil sa gabi na, uwian na balak
Ang sunod na pinlano, mang inasal ang laglag

Sa pagkamalas malas ng araw na lintik
Biro mo lahat ng BDO ay off limit
Di na nakakain kaming mga gutom
Binalak na lang sa bahay lumamon

Bago pa dumating sa aming destinasyon
Matinding trapik na naman ang sa ami’y humamon
Ang ending dun sa dyip nagkakwentuhan na lang
Gang sa naopen lahat ng tampuhan


Bago pa mag Nova, bumaba na kami
Silang kasing dyip halos amin ng katabi
Para di malaman na kami’y nag widro
Tinago ang card pati resibo

Pag-uwi ko sa bahay, ten na ata yon
Handa na ang tenga sa lahat ng sermon
Buti na lang may bisita sa bahay
Malaman man nila, iwas ng pagalitan

Sa biglang paglalim ng gabi
Sa bahay pumunta ulet si dadie
May malaking MARSMALOW at CHOKOLEYT na dala
Sabay sabing “ulitin natin ang ROWDTRIP ha?”