Mansyon namin


Mansyon namin!

     maaraw noon, "pooooooot ... pooooot!!" maingay.
Kailangang gumising ng mas maaga sa inaasahann ko, naupo ako noon at may inabot na pera sa di ko kakilala. Tumawa sya sabay sabing "estudyante?" di ko na ito inintindi... oo na lang ng oo. Hindi ko namalayan bigla akong nakatulog at ng ako'y gisingin ng lalaking naghatid sa akin, kinagulat ko ng nasa harapan ko na ang isang mansyon na pag-aari ng napakaraming tao at ayon sa papeles na hawak ko, isa ako sa may ari nito.

   Ordinaryong tao lamang ako para magkaron ng ganitong uri ng bahay pero ewan ko kung bakit naging isa ako sa may pag-aari nito. Nilibot ko ang aking kaharian ng mamalayan huli na ako sa aking appointment. Business woman kuno no? Nagtricycle lang ako dahil wala akong car...pero pagdating ko sa lugar na dapat kong puntahan, nakita ko roon ang ibang may-ari ng mansyon at grabe..ang iingay nila at nanggaling sa ibang mga lugar. Sumakit tuloy ng todo ang bangs ko. Pero sa di kalayuan ay may nakasundo akong isa rin sa may-ari ng bahay at binalak naming ibinta ang mansyon, pero hindi pla pwede, kailangan may permisyo ng nagpamana samin. Pagtapos non ay umuwi na ako sa tunay kong bahay at ikinuwento lahat sa aking ina... biro mo ambisyosa ko pala, FIRST DAY ko nman pala yun sa aking sintang paaralan.